Why Angel Locsin Can No Longer Play Darna

Actress Angel Locsin ay hinde na gaganap na Pinay supehero na Darna ng Star Cinema’s movie na hango sa likha na superhero ni Mars-Ravelo.

Sa isang panayam kay Angel Locsin ng isang news reporter napag-alaman na kinakailangan nyang talikuran muli ang papel na darna dahil sa kanyang sakit sa likod (spinal problem).

Ayon sa actress,  ang kanyang  training  coach ang nag-ulat sa Abs-Cbn na muli syang nakaramdam ng pananakit ng likod.

Ganito ang sabi ni Angel.” Actually hinde ako nag-report. Nalaman na lang nila kasi nakatutok ang Abs-Cbn sa training. Na-report ng coach ko na nakaramdam ako ng pain ulit.  Sinabihan na ako  ng Abs-Cbn, “O pinipilit mo na naman, masyado mong pinipilit, baka kailangang pag-usapan yung safety mo talaga.”

“Sinabihan  ako ng doctor na hinde ako bibigyan ng clearance kapag nakaramdam ako ng pain. Gusto kong magawa siya kasi parang ang daming umaasa. Ayaw kong maka-disappoint kahit alam ko na inilalagay ko na ang sarili ko sa risk,” dagdag pa ni Angel.

Inianunsyo noong Lunes ng Star Cinema managing director Malou Santos na hinde na gaganap si Angel Locsin bilang Darna sa pangkalusugang kadahilanan. 

Dagdag ni Angel: “Ayaw kong isipin ng tao na hinde ko sinubukan o, di sinubukan ng Abs-Cbn. Sinubukan po naming talaga pero (sabi nga) the spirit is very willing but the flesh is weak,”  ayon kay Angel kanyang tinanggap na hinde na sya ang gaganap sa papel na Darna. 

Gayunpaman, nagbigay kasiguraduhan si Angel sa kanyang mga taga-hanga na maraming proyekto ang Abs-Cbn para sa kanya na dapat abangan.